
Agarang aksyon sa nasirang irigasyon – yan ang tagubilin ni Regional Manager June Nathaniel S. Plaza sa mga opisyales at inhinyero ng ahensya upang mabilis na maiayos ang mga damage structures na dulot ng bagyo at matinding pagbaha.
Ngayong araw ng Sabado, nagtungo si RM Plaza upang inspeksyonin ang Bokong Dam ng Labangan River Irrigation System (LABRIS), Labangan, Zamboanga del Sur at suriin ang nasirang retaining wall ng nasabing dam.
Nagtungo rin si sya sa Mahayag Dam ng Salug River Irrigation System (SARIS), Mahayag, Zamboanga del Sur upang makita ang updates sa pagpapaayos ng nasirang dam.
Kalakip ng bisitang ito mga bilin at gabay upang mapabilis at mas maisaayos ang pagpapatupad ng konstruksiyon at pagkukumpuni ng nasirang irigasyon.