
Agad na tinugunan ni Regional Manager June Nathaniel Plaza kasama ng mga opisyales at empleyado ng NIA Regional Office at Zamboanga Sibugay Irrigation Management Office (ZSIB IMO) ang problema sa Right of Way (ROW) na kabilang sa Sibugeuy Valley Irrigation System (SVIS) na matatagpuan sa Brgy. Kahayagan, Bayog, Zamboanga del Sur.
Personal na kinausap ni Engr. Plaza kasama ang manager ng ZSIB IMO - Engr. Girlie Detalla, at Legal Officer - Atty. Katherine Grace Cortez Lumilis, at ilang NIA Region 9 staff ang pamilya Vicente na apektado sa ROW issue.
Naging matagumpay at matiwasay ang talakayan ng dalawang partido. Nangako ang ahensya na magbibigay ng kinakailangang suporta sa pamilya sa panahon ng paglilipat sa kanilang bagong matutuluyan.