Mahayag Dam damaged due to LPA

MAHAYAG, ZAMBO. SUR — Sa paghina ng ulan at paghupa ng baha sa prubinsya ng Zamboanga del Sur, agad na tumungo si Regional Manager Salome Naragas Layasan ngayong araw, January 14, 2022 sa Salug River Irrigation System (SARIS) upang tignan ang damage na idinulot ng matinding baha noong mga nakalipas na araw.

Nagkaroon ng sira ang parte ng Mahayag Dam (Ogee type) at ito’y kasalukuyang nang ginagawan ng detailed flood damage report ng Zamboanga del Sur Irrigation Management Office (ZDS IMO).

Kasama ni RM Layasan sa pag field inspection ang hepe ng ZDS IMO na si Engr. Benedicto Isagani Pulis Jr. at ilang technical staff nito.